Nai-imagine ko si Jamie Rivera na umiinom ng wine sa balkonahe ng kanyang condo.
"Tang ina," bulong niya habang tulala sa kalangitang walang bituin. Maulan kasi lately. Buti na lang, nasa loob sila ng MOA arena nung kinanta niya ang We Are All God's Children.
Siya ang pinakamasaya kapag ibinabalitang bibisita ang pope sa Pilipinas. Alam niyang pakakantahin siya. Para saan pa't tinagurian siyang Inspirational Diva.
Buti na lang, sa MOA siya naka-schedule na kumanta at hindi sa Tacloban. Baka trangkasuhin siya. Kapag pa naman inuubo siya, mabilis siyang mawalan ng boses.
Eh hindi siya dapat mawalan ng boses dahil baka bigla siyang magkaroon ng raket sa mga chapel chapel—kapag birthday ng pari, o kaya anniversary ng parokya, o kaya may concert for a cause at ang cause ay pagpapaganda ng simbahan. Every raket counts para sa tulad niyang Inspirational Diva, na para sa kanya ay synonymous to Matumal Diva.
Minsan naiisip niyang bakit hindi na lang siya naging popstar. Mas marami sana siyang mall shows. Pero aware naman siyang pang religious songs talaga ang timbre ng boses niya kaya dun lang siya sa totoo.
Naisip niya si Lea Salonga. Swerte ni puta. Pareho silang flop bilang pop singers. Mga one hit wonder. Kung may Bakit Labis Kitang Mahal si Lea, meron naman siyang Love Is All That Matters. Swerte ni Lea at naka-penetrate siya sa Broadway. Coach pa siya ngayon sa The Voice eh ang OA naman niya.
Three years ago, around 2012, sinubukan din niyang pumasok sa international scene. Nag-audition siya sa role na Alice sa pelikulang Twilight. Tutal, swak naman sa kanya ang pixie cut na buhok.
Natanggap naman siya, pero bilang double ni Ashley Greene. Siya ang gumagawa ng dirty work dahil wala raw reklamo ang mga Pilipino. At totoo naman dahil never talaga siyang nagreklamo. Kahit ihampas-hambas siya ni James sa pader at sa sahig. Dedmalaysia pakistan. Ang gusto lang niya eh gumawa ng pera nang mapayapa.
Hindi na rin niya ipinamalita sa Pilipinas na lumabas ang batok, siko, at alak-alakan niya sa pelikula. Nakakahiya.
Naisip niya, baka masyado siyang nagmamadali, na swerte lang talaga si Lea at natanggap siya sa Miss Saigon. Pero magaling naman kasi talaga si Lea. Ingglisera pa.
Sinubukan niyang mag-host. Madali lang naman siguro dahil binabasa lang nila lahat ng sasabihin sa teleprompter o sa idiot board gaya ng nakita niya sa mga host ng It's Showtime nung minsang inimbitahan siyang maging hurado. Madali na yan. Maganda naman siya. Maputi. At malakas ang dating ng pixie cut niya.
Nag-audition siya sa Singing Bee. Yon ang perfect na show para sa kanya, dahil ang palabas na yon eh tungkol sa kantahan at coincidentally, singer siya. Ito na yun, sa loob-loob niya. She got it in the bag.
Pero ayun, ang tinanggap ng show eh si Amy Perez, with Kuya Dick on the side. Tang ina mas gusto nila yung pixie cut ni Amy Perez.
Anyhow, hindi yon naging hadlang para ipagpatuloy niya ang pag-pursue sa magandang showbiz career sa Pilipinas. Maganda siya. Maputi. At malakas ang dating ng pixie cut niya.
Nabalitaan niyang naghahanap ang Dove ng commercial model na may short hair. Gusto kasi ng brand na maging kakaiba dahil puro na lang may mahabang buhok ang kinukuhang model ng mga shampoo, eh uso na ngayon ang short hair. Mas mahirap pa ngang i-maintain ang short hair sa totoo lang. Alam niya yun by experience.
So nag-audition siya. But alas, as we have all watched in television, si Angel Jacob ang nakita nating sumasabunot sa sariling buhok habang sinasabi ang "I'm a Dove gurl and ahlaveht!"
Tinanong niya sa handler niya kung bakit hindi siya ang napili, dahil last time na nag-usap sila ng direktor, maganda naman ang naging pag-uusap nila at kulang na lang eh papirmahin na siya ng kontrata ora mismo.
Paliwanag ng manager, nag-audition daw si Angel Jacob kinabukasan. Kahit last day na ng audition kahapon, pinagbigyan pa rin nila si Angel dahil Angel Jacob na yon eh.
Isa pa, parang hindi raw bagay na maging endorser ng produktong pampaganda ang isang Inspirational Diva. Parang salungat daw na habang on one hand eh sinasabing magdasal tayo, on the other hand eh pino-promote ang vanity.
Shet na Inspirational Diva yan. Imbis makatulong eh nakakasagabal pa.
Isang araw eh kinontak siya ng handler niya last year. May audition para sa role na Amor Powers sa remake ng Pangako Sa 'Yo. OMG Amor Powers. Pasok na pasok ang pixie cut niya. Kaagad eh naisip niyang siya si Amor tapos si Lea si Madam Claudia. Tapos sasampalin niya si Lea. Totohanan. Yung masakit. Pero sasabihin niyang trabaho lang, kahit namemersonal talaga siya.
Pero parang narinig ni Lord ang evil thoughts ng ate niyo kaya ipinagkaloob Niya ang role kay Jodi Sta. Maria, at ito ay sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng direktor sa ating Inspirational Diva na mukha raw siyang tomboy. At hindi pa raw ready ang Filipino audience sa mga tomboy. Sa bakla, medyo oo na. Pero sa tomboy, hindi pa masyado. Kinikilabutan pa rin nga sila sa role ni Aiza bilang nanay sa Be Careful With My Heart. So hindi muna.
Sa sunud-sunod na kamalasang dumating sa buhay niya, dumating ang isang talaga namang big break sa kanyang career.
Darating daw si Pope Francis sa January 2015. Ito na ang moment niya to shine, at sa sobrang inspiration (at desperation) eh na-compose niya ang We Are All God's Children. Alay niya ito kina Lea Salonga, Ashley Greene, Amy Perez, Angel Jacob, at Jodi Sta. Maria. Pare-pareho lang tayong mga anak ng diyos, mga pakshet kayo. Pare-pareho nga lang tayong pixie-cut eh (except you, Lea, although pareho naman tayong one hit wonder).
Kaya nung kumanta siya sa MOA arena, ibinuhos niya lahat. Nag-eye contact sila ni Pope. Nakapagmano pa siya. Eat that, bitches. Wala kayo sa lolo ko.
Siya na naman ang bida. Ang spotlight, nakatutok sa kanya. Binalik-tanawan ng kapamilya network ang kanyang moments of glory: nong dumating si Pope John Paul II; nong world youth day; nong EDSA 2; at eto nga recently, nong bumisita si Pope Francis.
At ngayong nakaalis na ang papa, muli na naman siyang sinampal ng realidad. Naalala niya ang tinext ng executive producer pagkatapos ng papal visit.
"Thank you ha. Next time ulit. :)"
Next time.
Nai-imagine ko si Jamie Rivera na umiinom ng wine sa balkonahe ng kanyang condo.
"Tang ina," bulong niya habang tulala sa kalangitang walang bituin.
Sampung taon na naman siyang kakain sa karinderya.
No comments:
Post a Comment