2nd anniversary ko na sa RareJob bilang isang part-time trainer noong January 16. Ibig sabihin, dalawang taon na akong pumapasok ng limang oras kada araw, limang araw kada linggo.
Dati, noong nagtatrabaho pa ako sa kapuso network, kapag tinatanong ako ng "San ka na ngayon?" ang lagi kong sagot eh "Dyan lang sa Kamuning." Nagsawa na kasi ako sa mga nanghihingi ng ticket sa Eat Bulaga at sa mga humihiling na ipasok ko sila sa network kahit janitor lang.
Ngayon sa RJ, kapag tinatanong nila ako kung nasan na ako, sinasabi ko na. "Sa RareJob."
"Ano yun?" Sasagot naman sila.
1.21.2015
Malakas ang dating ng pixie cut niya
Nai-imagine ko si Jamie Rivera na umiinom ng wine sa balkonahe ng kanyang condo.
"Tang ina," bulong niya habang tulala sa kalangitang walang bituin. Maulan kasi lately. Buti na lang, nasa loob sila ng MOA arena nung kinanta niya ang We Are All God's Children.
Siya ang pinakamasaya kapag ibinabalitang bibisita ang pope sa Pilipinas. Alam niyang pakakantahin siya. Para saan pa't tinagurian siyang Inspirational Diva.
Buti na lang, sa MOA siya naka-schedule na kumanta at hindi sa Tacloban. Baka trangkasuhin siya. Kapag pa naman inuubo siya, mabilis siyang mawalan ng boses.
Eh hindi siya dapat mawalan ng boses dahil baka bigla siyang magkaroon ng raket sa mga chapel chapel—kapag birthday ng pari, o kaya anniversary ng parokya, o kaya may concert for a cause at ang cause ay pagpapaganda ng simbahan. Every raket counts para sa tulad niyang Inspirational Diva, na para sa kanya ay synonymous to Matumal Diva.
Minsan naiisip niyang bakit hindi na lang siya naging popstar. Mas marami sana siyang mall shows. Pero aware naman siyang pang religious songs talaga ang timbre ng boses niya kaya dun lang siya sa totoo.
Naisip niya si Lea Salonga. Swerte ni puta. Pareho silang flop bilang pop singers. Mga one hit wonder. Kung may Bakit Labis Kitang Mahal si Lea, meron naman siyang Love Is All That Matters. Swerte ni Lea at naka-penetrate siya sa Broadway. Coach pa siya ngayon sa The Voice eh ang OA naman niya.

1.14.2015
The GG saga
Mga ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog nang mapayapa dahil sa isang tenant sa kwarto ko--si GG, isang gargantuan gagamba na naglagay na ng flag at piniling gawing tulugan ang pwesto sa likod ng pinto.
Backdoor-spacer lang talaga ang peg ni GG. Paggising ko sa araw, wala siya, umaalis para gumawa ng pera gaya ng mga tipikal na empleyadong nag-oopisina. Tuwing gabing uuwi ako galing sa trabaho, pagsara ko ng pinto ng kwarto eh nandon na siya, tahimik na nagpapahinga habang nakaunat ang mahahabang galamay na nakalapat sa puting dingding.
Ilalapag ko sa kama ang dala kong gamit at magmamadaling magbihis, natatakot sa thought na baka gumapang siya sa paa ko paakyat habang nakahubad ako. OMG hindi ko yun kakayanin talaga.
Pagkasuot ko ng tshirt na pambahay eh agad akong lilingon para i-check kung nandon pa siya. Ayoko siyang makita, pero mas gusto ko nang nandoon siya kesa wala. There is a certain level of comfort kapag alam kong hindi siya umalis.
But when I looked again... it was gone.

1.07.2015
Nova Villa in the city
"Nausog yung training namin, bunso. Sa December 23 na, imbes na 22. 3 to 11pm."
Si Myrna yan, nanay ko. Kinekwento niya sa kin na nausog ng isang araw ang 1st day ng training niya sa call center. Nung una niya yang ibinalita, nalito ako kung seseryosohin ko ba siya. Kasi naman.
Si Myrna. Natanggap sa call center. Sa murang edad niyang 53.

Subscribe to:
Comments (Atom)