1.25.2016

Third anniversary sa trabaho

3 years na ako sa RareJob nung January 16!!

Plano ko sanang magpa-pizza, kaya lang sawang-sawa na kami sa pizza. Lumalabas na sa ilong namin ang pizza. Linggu-linggo yata may pizza. Saka tapos na yung cranberry chenelyn flavor ng Angel's Pizza (na nalito pa kami kung related ba sa Angel's Burger).

Kaya nung nagkayayaang umorder sa Dakasi, sabi ko sige sagot ko na.

"Bakit ka manlilibre?"

Tanong ng boss ko. Anniversary ko kasi kako.



Pero bakit nga ba kailangan kong manlibre kung anniversary ko?

Hindi ko rin alam. Trip ko lang. Siguro dahil ito na ang pinakamatagal kong stay sa isang company. 8 months ako sa Convergys. 2 years ako sa GMA. At 3 years and counting na ako sa RareJob. Maybe it's something worth celebrating.

Pero kahit naman nung unang taon ko sa RJ eh nag-celebrate pa rin ako. Siguro dahil gusto ko lang ng reason para mag-celebrate kasama ang mga katrabaho sa RJ. But that is not to say na hindi masayang kasama ang mga katrabaho ko sa Convergys at GMA. Sila pa ba?

Ganito. Siguro... madami lang akong pera. Baka nga yun na lang talaga ang dahilan bakit ako nanlilibre.

Hahahaha joke lang! Jusko wag niyo po akong paniwalaan. Patawarin niyo po ako at hindi ko alam ang aking sinasabi hahaha!



"Bakit nasa RareJob ka pa?"

Tanong yan sa akin ng isang dating katrabaho. Isa sa mga kasabayan kong natanggap sa RareJob 3 years ago.

Bakit daw ako nasa RareJob pa.

Bakit nga ba ako nasa RareJob pa?

Malinaw naman sa kanila na kaya ako nasa RareJob eh dahil nag-aaral pa ako. At hindi muna ako aalis sa RJ hangga't hindi pa ako tapos.

Pero hindi iyon ang ibig nilang sabihin. And I get it. They find it absurd na nagtatyaga ako sa RJ hindi katulad nila na umalis na at may mas magandang trabaho at mas masayang buhay na ngayon.

They just don't understand that we have different goals. Hindi sa gino-goal kong magtagal at magkaroon talaga ng career growth sa RJ. O magtagal ng 5 years para makatanggap ng 650 pesos (totoo ba to?? may ganitong myth sa amin kaloka). Nagkataon lang na masaya pa ko. Yun lang.

Sa totoo lang, sa tatlong taon ko sa RJ, andami ko nang na-witness na resignation. Higit bente na yata. Hindi naman kami kalakihang kumpanya gaya ng Convergys at GMA pero relatively eh mataas ang attrition sa amin...for various reasons.

At isa sa mga dahilan eh wala raw career growth, na hindi ko maintindihan kung saan nila hinuhugot. Eh kaliwa't kanan nga ang movement sa amin. Jusko every 6 months, hindi mo alam kung ano ang mga magiging pagbabago. RareJob is a growing company. Saan ba galing yung walang career growth?

Baka sila lang yon. Silang mga nagrereklamo. Feeling nila, sila eh walang career growth. Anong growth ba ang gusto nila? Yung after a year eh supervisor na sila agad? Saka pasok-pasok din ng maaga.

Anyway, hindi ko naman intention na awayin sila. Ayoko lang ma-bad vibes.



Kung gusto ko lang mag-stay sa RareJob hanggang makatapos ako sa grad skul, bakit ako nag-full-time after 2 years ng pagiging part-time? It's not a strategic decision for someone who doesn't have plans to stay.

Well, hindi ko rin alam. Hindi kasi ako marunong magplano ng buhay, to be honest. Yung mga interview questions na where do you see yourself 5 years from now eklat eklat eh sinasagot ko lang ng "I don't know". Dahil talaga namang I don't know.

Sabi ng prof ko sa grad skul, basta't gawin mo lang ang best mo sa kung ano man ang ginagawa mo ngayon. Hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng iyong hardwork. At yun na yata naging pilosopiya ko sa buhay, because it's a convenient philosophy.

Kaya yung mga nagtatanong sa akin ng "O, kapag tapos ka na, ano na'ng plano mo?", eh sinasagot ko lang din ng... tama! Hindi ko alam. Hahahaha!

At para naman magtunog akong matalino, ang sinasabi ko naman eh "Let's cross the bridge when we get there."



Crossing Bridges
an autobiography
by G. Zople



Please buy my book. LOL

No comments:

Post a Comment