So let me fill you in on what happened to me this past year.
Tumigil ako sa Masters. Pansamantala lang naman. Nag-file ako ng residency nung August dahil nakuha ko na lahat ng required courses. Thesis na lang is me. Eh dahil hindi ko pa alam kung ano ang thesis ko, hindi muna ako nag-enroll ng MP300 (300 yung code ng thesis sa masters). Resisdency eh yung nagbayad lang ako ng enrollment fee na kwarenta ata yun saka library fee na may isanlibo rin mahigit. Hindi ko naman nagamit.
At dahil lumuwag ang schedule ko gawa ng hindi na ako papasok sa school, nag-apply ako ng isa pang part-time job sa The Japan Institute for Educational Measurement o JIEM. I know. Japanese company pa more.
But my stay there was short-lived. As in isang buwan lang ako doon. Bigla rin kasi akong nag-full-time sa RareJob.
Nag-express ako ng intentions ko to apply for a full-time position dahil sa grabehang movement na nangyari sa team namin. Andami saming nalipat sa ibang teams. Eh parang ayokong ma-feel na hindi ako gumalaw kaya sige. Sinakyan ko na yung flow of movement nung mid-year kaya FT na ako ngayon.
Ang maganda pa, hindi na ako dumaan sa proby. Regular na ako agad-agad. Blessing talaga. Ibig sabihin, may health card na ako saka pwede na akong mag-leave, ganyan. Kasi siguro part-time regular na ako noon. Nakakagulat lang malaman na ako pala ang 1st case nila ng hired regular.
Nagpunta ako sa Dumaguete with friends. First time kong mamasyal at sumakay sa eroplano na kaibigan lang ang kasama. At the age of 26, feeling ko adult na talaga ako. Hindi na ako pwedeng sabihan ng tatay ko ng "Lumalaki kang paurong!" kapag magagalit siya kasi malaki na akong talagang talaga.
Wala kaming ibang ginawa sa Dgte kundi kumain nang kumain. Saka gumastos. Woo swipe sa credit card yeah! May 13th month naman saka leave credits monetization. Deadma na. Hoo!
Kapansin-pansin na halos lahat ng restaurant sa Dgte eh may sine-serve na beef stroganoff (pero hindi naman namin inorder ever). Siguro para sa mga turistang Westerners. Saka yung pork ribs pati. Ay grabe naman po yung pork ribs. Ay grabe talaga.
Natuto rin ako ng konting binisaya.
Survival binisaya 1: pag hihingi ng tubig, you say, "mangayo ko palihog og tubig." Palihog is "please". Og means "ng". Pero pwede ring "at". Puso na lang ang magdidikta which is which.
Nagamit ko rin yung mga tinuro saken ni Drei. Maayo kaayo ko magbinisaya. Na-impress ko yung lola niya saka yung tricycle driver namin sa Siquijor. #Siquiwhore
Newsflash: May ukay-ukay sa Dgte! Magpapapigil pa ba ako?
There is this ukay store in Dgte that has 2 pwestos. Yung isa, yung all 50. Yung tambakan ng mga napagpilian na. We spent, like, 20 minutes there and I bought, like, 3? Nakakabitin. Kaya the next day, pumunta kami sa isa nilang pwesto. Nandun yung new arrivals na kamamahal. Yung mga tshirt eh 150 tas 200 yung mga long sleeve. Sige na lang din. Andun na eh. I bought, like, 4? Pero si Chummy nakabili ng 6! Grabe na siya. 9 daw yun dapat pero nagbawas lang siya kasi nagmamadali kami.
I attended 2 weddings. November saka December. Matanda na talaga ako jusko po panginoon ko. Nakakaiyak pala talaga ang wedding ng mga Born Again. Siguro dahil sa violin music nila ng A Thousand Years saka Forevermore.
It was nice to see my colleagues in GMA nung kasal ni Faye. Kabog yung kasal niya. May AVP pa siya ng greetings ng mga artista. "Congratulations, Faye! Eme-eme, eme-eme." Very Party Pilipinas itu.
Kumanta ako sa kasal ni Monica Mae. Request niya na kantahin ko yung Kahit Maputi na ang Herlalet Kez. Nanging-nginig lang ako don sa nerbyos, alam ko naman. Sayang. Actually, naghanda ako ng limang kanta baka kako mag-more-more sila don. Hahaha. Seryoso to ha. Kapal pa ng mukha kong mag-assume-assume ng more-more eh wala naman akong galing non.
Naging part ako ng Manila leg (Manila leg??) ng 24th RareJob Tutor Gathering. Nakilala ko nang personal ang ilan sa mga tutor na talagang very dedicated sa kanilang craft. Marami sa kanila ang sincerely grateful for being part of the company. Lalo na si Tutor KC. Puro good vibes lang. May mga matatanda ring tutors. When I met them, mas lalo kong na-appreciate ang value ng trabaho ko. These are the people that we assessed during their application. We really have to take our job very seriously.
Ako ang in-charge sa games, na akala ko nung una eh madali lang gawin pero nakailang revisions din ang mga proposal ko ha. During the gathering, ako ang naka-station sa Memory Game. Super enjoy, lalo na kapag nagka-countdown na ako. More taranta sila sa pag-flip-flip ng cards.
Kumanta rin pala ako. Dalawa. It was relatively successful, I think. Nakatulong din siguro na nakausap ko silang lahat during the pre-event games kaya mas kumportable akong mag-perfom sa stage. I sang Blank Space saka Cheerleader.
Nitong Christmas season eh ni-launch ko na ang Leo's Professional Wrapping Services na may tagline na "Because with us, you're fully-covered". Ang totoo, gusto ko lang praktisin yung ribbon bow na nakikita kong ginagawa sa National kapag nagpapabalot ako ng regalo. I wrapped, like, 3 gifts. Masaya naman ang experience. Sabi ng isang satisfied customer (si Tang):
Magaling! Medyo mahaba yung pila pero sulit! #Patotoo
Tinutukso ako ng mga kaopisina na nag-e-expand na raw ang business ko from wrapping services to hair styling na may brand na ring Leofied! Leo's House of Style. Medyo grabe na sila sa pag-stereotype. Komo bakla eh nag-aayos na agad ng buhok--na minsan isang araw eh ia-attempt ko talagang aralin at baka nga pagkakitaan ng malaki. Humanda kayong mga nanunukso saken dahil balang araw tatanggihan ko kayong ayusan LOL.
My 2015 may not be a "roller-coaster ride" like others', pero masasabi kong definitely, merong movement. Hindi man ito yung movement na moving on, dahil this year, wala namang dapat ika-move on. Tama na. Nakaka-bitter na. Babay.
No comments:
Post a Comment