"I think It was a step in the right direction," sabi ko nung i-ambush interview ako ni Noe, officemate ko, one Monday morning kung kailan live na nangyayari ang coronation ng Miss Universe sa Thailand.
"Anong masasabi mo sa pagsali ni Spain sa Ms. Universe? Ako ayoko." Bungad niya sa akin as she extended her hand, as if holding an invisible microphone. She was not looking for a debate; interesting lang talagang pag-usapan yung issue.
So ayun nga, sabi ko, "I think it was a step in the right direction--"
"No!" Sabat ni Josh, another officemate. "Edi sa susunod, lahat na ng bansa puro transgender ang sasali."
"Parang ganyan din yung argument sa same-sex marriage," sabi ko, "Na kapag pinayagan ang same-sex marriage eh hindi na magpo-procreate ang tao dahil lahat na sila magpapakasal na sa same-sex."
Na-realize ko bigla after nun na mali yung sinabi ko na it was a step in the right direction, at nasabi ko lang yon out of pressure na magmukha akong confident. Ang dapat ko palang sinabi ay "it was a welcome change" o "it was a breath of fresh air".
Kasi masaya naman talagang malaman na pwede na ang transgender sa Miss U. Yung tipong, "Uy, si Ms. Spain transgender. In fairness."
Pero naiintindihan ko rin yung unease ng marami na pakiramdam nila, parang invader si Spain, na hindi siya dapat nandon kasi hindi niya yon teritoryo. Na meron namang beauty contest na para talaga sa bakla, pati ba naman Miss Universe eh panghihimasukan pa. Na pano kung may babaeng sumali sa Ms. Gay, siyempre warla-warla din ang mga veh.
Kung nabasa niyo lang yung warlahan sa facebook, ay jusko, hahaha. Bukod sa squatteric levels na mga comment (na dedma na lang), dun mo mapapansin na very polarizing talaga ang pagsali ni Spain, even among the LGBT community. Na sinisimulan muna nila yung comment sa "bakla rin ako," na ibig sabihin eh hindi sila kaaway at nagsasabi lang sila ng opinyon base sa kanilang personal truth.
Then there go the SOGIE advocates: na si Spain ay hindi lang basta bakla. Transgender si ate gurl, complete with ate gurl body parts and all. Wala na siyang young corn. Wala na siyang walnuts. Ang meron na siya eh honeydew saka shiitake mushroom. At ginawa niya yon dahil bilang isang transgender, naniniwala siyang babae talaga siya at nagkataon lang na pinanganak siyang lalaki.
So may pa-citation yung iba sa tanong kay Sushmita Sen na what is the essence of being a woman na ang simpleng sagot ay to bear a child. Na kahit anong hiwa ang gawin ni Spain sa katawan niya eh wala naman siyang matres, therefore, wala siyang kakayahang magbuntis, at yun ang kaibahan niya sa totoong babae.
Weh pano naman daw yung mga babaeng baog? Ano bawal na sila sa Miss U? Hahaha nakakaloka talaga.
So back to Noe's question, "Anong masasabi mo sa pagsali ni Spain sa Miss Universe?"
I say it was a welcome change. It was a breath of fresh air. Masaya ako na may transgender na kasali sa Miss U. Pero hindi ako disagree sa mga nagsasabing she should not be there, dahil naiintindihan ko na it is a pageant for women. Pero in-allow na siya ng Miss Universe Organization so... *shrug*
At totoong may Ms. Gay naman. And though ridiculious, may point kasi yung pano kapag may babaeng sasali ng Ms. Gay at magke-claim na naniniwala siyang bakla talaga siya at nagkataon lang na pinanganak siyang babae. Dahil sasagutin lang natin siya ng "Ulol. Epal." Hahahaha!
Isa pa, ang daming qualifications na hinihingi sa Miss U. Bawal ang maliit. Bawal ang boba. Bawal ang chaka. Kahit yung ibang totoong babae, hindi rin papasa. So ibibigay ko na yung Miss U sa kanila.
Para sa akin, hindi discrimination yung pagbawal sa transgender na sumali sa Miss U--at least hindi sa level halimbawa ng pagbawal sa same-sex marriage. Yon, para sakin, ang mas mahalaga.
No comments:
Post a Comment