12.31.2014

Welcome to Taas Noo!

Maraming salamat sa mga bumisita at sumubaybay sa dati kong blog na My PaTWEETums. For some reason, nahihirapan akong i-access yung website. Siguro sign yon para gumawa ako ng bago. Start with a clean slate.

Ako si G. Zople, G. for Ginoo. Graduate ng masscom from the pink university in the province. Licensed highschool English teacher pero never nagturo. Dating call center agent, naging proofreader ng mga essay ng mga Koreanong nag-aaral ng English, naging corporate employee sa isang higanteng TV station, at ngayon ay trainer ng mga ESL (English as Second Language) tutor ng mga Hapon.

2 years ago, very proud kong dineclare na gagawa ako ng Chapter 2013 with 365 pages. 1 post a day for 365 days. Pero umabot lang ako ng page 7 (sorry Gra). Hindi man nakakalahati, o one-fourth, o kahit nga 10%. How embarassing.

Kaya ngayong taon, magde-declare ako ng mas achievable na goal. Chapter 2015 with (at least) 53 pages. Isang post kada linggo, kasabay ng 52-week money challenge. O diba? Sayang kasi. Chance ko na rin to para simulang mag-ipon ng pera.

Allow me to officially welcome you to my new blog, "Taas Noo! (kahit mataas ang hairline)". Malaki kasi ang noo ko. Insecurity ko talaga yon pati ang balahibo ko sa legs. Sabi ni Dikong, nasa pagtingin lang yan. Imbes na malaki ang noo, pwedeng lumalawak lang ang hinihilamusan. O kaya mas kaunti ang sinusuklay.

Eh ano naman. Diba nga, kapag malapad ang noo, ibig sabihin matalino. Kaya ike-claim ko yan. Matalino ako. Wag lang math.

Patweetums man ay taas noo pa rin, kahit mataas ang hairline. Kaya nga may bangs diba. Ibinigay ng Lumikha ang bangs hindi lang para sumakit sa mga kalokang eksena, kundi para takpan ang nangingintab at nakakahiyang paliparan ng NAIA. Pun intended. Keber sa redundancy.

Pasok, pasok kayo. Make yourselves comfortable. May maning sung-song sa mesa. Kuha lang.

No comments:

Post a Comment